Bernie Dizon: Sikat sa larangan ng Agrikultura

by on January 18, 2010

Kung hindi pa ninyo sya kilala, sya ay isang sikat na personalidad sa larangan ng agrikultura. Ang pangalan nya ay Bernie Dizon. Sya ay isang kilalang “pomologist” dito sa Pilipinas at isa rin syang Pinoy na nagpaka dalubhasa sa larangan nga ng agrikultura kaya’t sya ay nakilala sa ganitong kalakaran. Patunay sa talagang sa maraming larangan ay sikat ang Pinoy.

Una kong nakita itong si ginoong Bernie Dizon noong nagpunta ako sa kanyang malaking halamanan sa may lugar kung saan din matatagpuan ang “Wildlife Park” sa may Quezon City malapit sa Circle. Kung gusto ninyo o interesado kayong alamin ang mga panananim at ang ibat ibang impormasyon tungkol dito, mangyari lamang po na magpunta kayo sa kanyang “nursery” sa “Wildlife Park”. Ipagtanong lamang po ninyo a gwardiya ng parke kung saan sa loob matatagpuan banda ang lugar ng taniman ni ginoong Bernie Dizon at ito ay ituturo nila sa inyo.

Leave a Comment

Previous post:

Next post: